Connect with us
News Trends PH

Election 2025

Agimat ni Bong Revilla

Published

on

KALIBO, Aklan- Inihayag na ni Senator Bong Revilla ang agimat na sikreto diumano nito sa kaniyang tagumpay hindi lamang sa hanay ng showbiz kung hindi pati na rin sa pulitika.

Ayon kay Revilla, ang agimat nito ay sa kanilang bahay at eto ay walang iba kung hindi ang imahe ng Sto. Nino.

Si Revilla ay muling bumisita sa Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival Sabado ng umaga. Taon taon na etong bumibisita sa bayan ng Kalibo, Aklan tuwing kapistahan ni Sto. Nino.

Sinalubong eto ngayong taon nila Aklan Governor Jose Enrique Miraflores, Kalibo Mayor Juris Sucro, at iba pa.

Ayon pa kay Revilla, nagpapasalamat eto kay Sto. Nino ngayong taon dahil sa mabilis nitong pagaling ng kaniyang operasyon sa Achilles tendon.

Si Revilla ay kasalukuyang tumatakbong senador sa May 2025 national and localm elections.

 

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *