Connect with us
News Trends PH

Election 2025

Senator Tolentino Nakahanda na sa Paglulunsad ng Programang LITAW

Published

on

KALIBO, Aklan- Nakahanda na si Senator Francis Tolentino sa paglulunsad ng programang LITAW sa buong bansa sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang LITAW ay acronym ng Liwanag, Internet, Tubig, Assistance, and Welfare na kung saan layon nitong mabigyan ng ayuda ang mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Eto ang isa sa mga inihayag ni Tolentino sa kaniyang pagbisita bilang pangunahing guest speaker sa isinagawang Higante Parade- isa sa mga aktibidad ng pagdaraos ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival 2025. Sinalubong si Senador Tolentino nila Governor Jose Enrique Miraflores, Kalibo Mayor Juris Sucro, Vice Mayor Cynthia dela Cruz at iba pa.

Ayon kay Tolentino, higit na makakatulong ang programang LITAW sa mga mahihirap na higit na nangangailangan ng karagdagang tulong sa oras ng trahedya. Sa programang eto, babayaran ng pamahalaan ang gastos sa kuryente, tubig lalo na sa panahon ng kalamidad.

Umaasa si Tolentino na matutulungan nitong maiahon ang mga Pilipinong tinamaan ng krisis.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *