Connect with us

Commentary

Shoes Story

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

By: Hensie Tumbagahan

A friend and I bought a pair of shoes nang patapos na ang kontrata sa Qatar. Preparation para sa panibagong journey ng buhay. We want a comfortable shoes para sa mahaba-habang byahe.
Gusto niya ng open or semi-closed flat shoes. Mas prefer ko ang close shoes. It is because madali ako malamigan and my heels hurt kapag nasa byahe. Kaya nagkakasakit ako after a long journey.
Nauna akong mag-travel. Almost 1 day and half of trip. Since bago ang shoes, naaanticipate ko na ang sugat sa paa. I kept a band-aid and cream sa handbag, panigurado ko na.
Sa sobrang laki at lawak ng Hamad International Airport, masasabi mo na lang na sana kasya ang sasakyan sa loob. And oo, meron nga talaga. Aside sa escalator, elevator, eh meron ding flat floor moving towards mini train station. 😅
Pagdating ng Addis Ababa (Ethiopia), ramdam ko na ang swelling and sakit ng sugat. Common lang siya na airport. Mas maganda ang sa Pinas. Mas komportable. But, I can say na malinis ang comfort room. Yun kaagad hinanap ko dahil masyado ng masakit ang mga paa ko.
Napapaiyak ako hindi lang sa sakit but also sa uncertainties. But I kept on reminding myself, if I do not take a risk babalik lang ulit ako sa dati.
I put on the cream and band-aid, found a place to rest and once in a while tinatanggal ang shoes to let it breathe. Continous lang hanggang sa makarating sa destinasyon.
Naisip ko yung preferences ng friend ko. What if I did the same? Tiniis ko na lang sana ang lamig kesa masugatan. Gusto kong maging komportable pero bakit napunta sa discomfort?
Then I remember our conversation when I said maybe parehas na lang bilhin namin.
She said, “Girl, magkaiba tayo ng sitwasyon. 4-5 hours travel lang ako from Qatar to Nairobi (Kenya). Uuwi ako sa lugar na nakasanayan ko. While you are going to a place na hindi mo kabisado. Gusto mong magkasakit bago ka sumabak sa panibagong hamon na haharapin mo? Pipiliin mo ba ang short term pleasure with bad effects o long term sacrifice with good effects?”
Kaya kapag may ginagawa akong bago sa nakasanayan ko, I look at the shoes we bought. Somehow, I know I made a fulfilling choice.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay