
Malay, Aklan- Patuloy ang paglago ng Tessie ‘TM”ย Processing Center sa Barangay Dumlog, Malay Aklan dahil sa kakaibang tulong na isinasagawa nito sa kanilang mga suki. Bukod kasi sa negosyo, nagbibigay din sila ng tulong na serbisyo sa kanilang mga kababayan na ikinatutuwa naman ng karamihan.
Sa katunayan nito, pinarangalan nito kamakailan ang 50 nilang suki na patuloy a tumatangkilik sa kanilang hanapbuhay.
Ayon sa may ari nitong si Marlon Sulat at ng kaniyang maybahay, bagaman nairehistro eto bilang isang nangungunang real estate at brokerage office sa bayan ng Malay at maging sa Boracay ginagamit din nito ang negosyo par amakapaghikayat ng malalaking investors hindi lamang para sa bayan ng Malay kung hindi pati na rin sa karatig naย bayan ng Buruanga.

Sakop ng bayan ng Malay, Aklan ang isla ng Boracay na pangunahing tourism destination sa bamsa.
Ayon kay Sulat, madalas na ang perang kinikita nila sa nasabing negosyo ay ginagamit din bilang tulong sa mga taong nangangailangan sa kanulang mga kababayan.