
Navotas- Upang matiyak na walang maiiwang senior citizen, isinusulong ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang pagbibigay ng P1,000 buwanang social pension para sa lahat ng matatandang Pilipino, kahit pa tumatanggap sila ng pensyon mula sa Social Security System (SSS) o Government Service Insurance System (GSIS).
Sa pagsusulong ng pagpasa ng House Bill No. 4181, binigyang-diin ni Tiangco ang malaking agwat sa saklaw dahil humigit-kumulang kalahati lamang ng mga senior citizen sa bansa ang kasalukuyang nakakatanggap ng buwanang ayuda sa ilalim ng umiiral na mga batas. “Ayon sa DSWD, kalahati lang ng seniors ang nakakatanggap ng P1k social pension.
Ang may SSS o GSIS ay hindi kwalipikado at nais natin itong mabago,” ayon kay Tiangco.
โKaya itinutulak natin ang universal social pension. Kasi ang problema natin ay sa ngayon, pag may SSS o GSIS, ayaw na nilang bigyan ng social pension,โ paliwanag niya.
Itinuro rin ni Tiangco na maraming senior citizen na matagal nang nagretiro ang tumatanggap na lamang ng napakaliit na buwanang pensyon mula sa GSIS at SSSโmga halagang hindi na sapat para tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. โKung matagal na nag-retire yung ating lolo at lola, siyempre maliit na yung halaga ng pension nila,โ wika ng mambabatas.
Binigyang-diin din ni Tiangco na hindi dapat gamitin ang SSS at GSIS pensions bilang batayan sa pagkakait ng social pension, dahil magkaiba ang layunin ng mga ito. Habang ang SSS at GSIS pensions ay mga benepisyong pinaghirapan ng mga manggagawa sa loob ng maraming taon ng kontribusyon. Ang social pension naman ay isang anyo ng tulong ng gobyerno upang matiyak na ang lahat ng senior citizen ay makapamuhay nang may dignidad.
โHindi naman dapat maging basehan yung SSS o GSIS sa hindi pagbigay ng social pension. Kasi magkaiba yun. Yung social pension is a social service na binibigay natin na tulong,โ paliwanag ni Tiangco.
Layunin ng panukalang batas na amyendahan ang Republic Act No. 7432 upang maisama ang lahat ng senior citizen sa saklaw ng social pension.
Kapag naisabatas, aatasan ng HB 4181 ang Department of Social Welfare and Development na repasuhin at, kung kinakailangan, iakma ang halaga ng universal social pension tuwing dalawang taon, batay sa kasalukuyang consumer price index at iba pang mahahalagang economic indicators.