Connect with us

Politics

Toby Tiangco Nais Ipagbawal ang No. 8 Protocol Plates Para sa mga Komgresista

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Naghain si Navotas City Rep. Toby Tiangco ng isang panukala na naglalayong ipagbawal ang pag-isyu at paggamit ng Number “8” protocol o courtesy license plates sa mga sasakyan ng mga miyembro ng House of Representatives.

Sa paliwanag ni Tiangco ukol sa kanyang House Bill No. 7599, sinabi niyang nakabatay ang panukala sa Saligang Batas na nagsasabing ang hindi dapat mabigyan ng espesyal na pribilehiyo ang mga opisyal ng pamahalaan.

“Several times in the past, the proliferation of vehicles with protocol plates has been identified with abusive behavior exhibited by individuals driving or using these vehicles, whether high ranking government officials or persons posing as such,” ani Tiangco.

Inihain ni Tiangco ang panukala noong 17th Congress ngunit nabimbin lang sa committee level. Nagpasya siyang ihaing muli ang panukala sa pag-asang ito ay maisasabatas sa gitna ng mga isinusulong na reporma sa Kamara.

“Kung may no work no pay na, kasama iyan sa reform na kailangan,” wika niya, sa pagsasabing hindi siya gumamit ng plakang “8” plate mula nang maging mambabatas.

Binigyang-diin din ni Tiangco na may halos 300 miyembro ang House of Representatives, kaya’t imposible para sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas-trapiko sa buong bansa na matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng mga gumagamit ng protocol plates.

“Moreover, it has become more and more difficult for motorists and the public to identify the individuals concerned, as thousands of protocol plates are issued to various government officials,” dagdag niya.

Sa ilalim ng panukala ni Tiangco, ipagbabawal ang pag-isyu at paggamit ng Number “8” protocol license plates para sa mga miyembro ng Kamara, at lahat ng naunang na-isyu na plaka na may nasabing numero ay kakanselahin, babawiin, at ituturing na withdrawn.

Inaatasan din ang Land Transportation Office (LTO) na agad na itigil ang pag-isyu ng naturang mga plaka sa sandaling maging epektibo ang batas.

Naglalaan din ang House Bill No. 7599 ng mga parusa sa mga lalabag, kabilang ang multa na hanggang P25,000 o pagkakakulong na hanggang anim na buwan para sa mga indibidwal na nagmamaneho o gumagamit ng mga sasakyang may ipinagbabawal na protocol plates.

Ang mga opisyal o empleyado ng LTO o sinumang tao na mag-iisyu o magiging sanhi ng pag-isyu ng naturang mga plaka ay papatawan din ng kaparehong mga parusa. Ang mga parusang ipapataw sa mga miyembro ng Kamara ay hindi makakaapekto sa kapangyarihan ng institusyon na disiplinahin ang sarili nitong mga miyembro alinsunod sa mga panuntunan nito.

“As lawmakers, members of the House of Representatives should set a good example by passing a law that will curtail a privilege presently granted to them and that would put them on equal status with other vehicles on the road,” ani Tiangco.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay