Connect with us

Latest News

Unang araw ng limited face to face classes sa KPES, dinagsa ng mga mag-aaral

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

By: Mary Hope Zonio

Kalibo Aklan——–Hindi maitago ng mga mag-aaral sa Kalibo Pilot Elementary School ang kanilang ‘excitement’ sa muling pagbabalik ng klase sa ilalim ng limited face to face classes. Tinatayang aabot sa 15,000 na estudyante ang pumasok sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Allan T. Relloto Principal 11 ng KPES na mga bandang alas-6 ng umaga pa lamang nitong Lunes ay nagsidatingan na ang mga mag-aaral na ang iba ay kasama pa ang kanilang mga magulang.

Napag-alaman na nasa 50 percent pa lamang ng mga enrollees sa nasabing paaralan ang nakilahok sa muling pagbukas ng klase ngayong linggo dahil hinati ito sa dalawang set at ang ikalawang set ay magsisimula pa sa susunod na linggo.

Dahil dito ay muling nagpaalala ang pamunuan ng nasabing paaralan sa mga mag-aaral at mga magulang na naghahatid-sundo sa kanilang mga anak na sundin ang mga ipinapatupad na health and safety protocol lalo na ang pagsusuot ng face mask.

Nagpapatupad rin ng ‘one entry, one exit’ ang paaralan at mayroon ding nakalagay na temperature check at hand sanitizer upang masiguro ang kaligtasan ng lahat laban nakakamatay na COVID-19.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay