Connect with us

Latest News

Resolusyon sa Kalibo na naglalayong magkaroon ng satellite office ng OVP sa Aklan, aprubado na

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ulat ni Hope Zonio

Kalibo Aklan—– Nakatakdang isumite sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte Carpio ang resolusyon ni Kalibo Sangguniang Bayan Member Matt Aaron Guzman na naghahangad na magkaroon ng satellite office ng Office of the Vice President (OVP) sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay matapos na maaprubahan sa session ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ang nasabing resolusyon at hinihintay lamang ang akda ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz upang ito ay maipaabot na sa opisina ng bise presidente.

Ayon kay Guzman, laging hinahangad ng Pangalawang Pangulo na makapaabot ng tulong at maging bukas ang kanyang tanggapan para sa lahat ngunit napansin umano nito na sa Western Visayas ay walang satellite office ang OVP.

Dahil dinadayo umano ng ibang probinsya ang Aklan lalo na ang Kalibo kung kaya’t napag-isipan nitong ipasa ang nasabing resolusyon.

Dagdag pa nito na malaki ang maitutulong sa Aklan at ibang kalapit na lugar sakaling magkaroon ng satellite office ng OVP sa Kalibo lalo na pagdating sa mga social services.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay