Latest News
𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖, 𝗔𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗼𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗦𝗞𝗘; 𝗜𝘀𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟭–𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮5

Ni: Shaine Sorrosa
Boracay Island- naprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagbubukas ng voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Chairperson George Garcia.
Isasagawa ang rehistrasyon mula Agosto 1 hanggang Agosto 10, 2025, bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa Disyembre 1, 2025.
Gayunpaman, sinabi ni Garcia na hinihintay pa rin ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang BSKE sa Nobyembre 2026.
“𝑲𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒏 𝒎𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒔𝒂 𝑫𝒊𝒔𝒚𝒆𝒎𝒃𝒓𝒆 1, 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒃𝒍𝒆𝒎𝒂. 𝑨𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒈𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒐𝒕𝒂𝒏𝒕𝒆𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒓𝒆𝒉𝒊𝒔𝒕𝒓𝒐, 𝒍𝒂𝒍𝒐 𝒏𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒆𝒅𝒂𝒅 15 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏𝒈 17 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏,”- 𝒑𝒂𝒉𝒂𝒚𝒂𝒈 𝒏𝒊 𝑮𝒂𝒓𝒄𝒊𝒂.
Tiniyak din ng COMELEC na handa sila sa anumang magiging desisyon ng pamahalaan kaugnay ng itinakdang petsa ng eleksyon.
Continue Reading


