Connect with us

Latest News

Batas para mabigyan ng gatimpala ang mahuhusay na Malaynon aprubado na sa SB

Published

on

Ni: Shaine Sorrosa

MALAY, AKLAN โ€“ Isang makabuluhang hakbang ang naisakatuparan ng Sangguniang Bayan ng Malay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansang layong bigyan ng monetaryong insentibo ang mga Malaynon na nagkamit ng karangalan sa akademiko, kasanayan, kultura, at iba pang prestihiyosong larangan.
Ang ordinansa na may pamagat na:โ€œAn Ordinance Granting Monetary Awards to Malaynons Who Excel in Academic, Skills, Cultural-Related Competitions, and Prestigious Recognitions, and Appropriating Funds Therefor,โ€ay iniakda at inisponsoran ni Sangguniang Bayan Member Alan Palma Sr.
Nagpahayag ng pasasalamat si SB Member Palma Sr. sa kanyang mga kapwa konsehal sa pagbibigay suporta at pagtibay sa kanyang inihaing panukala. Layon nitong mabigyan ng kaukulang gantimpala ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para sa mga taga Malay at Boracay na may naipakitang kahusayan at makapagbigay karangalan lalo na sa national at international na lebel.
โ€œ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐˜พ๐™ค-๐™Ž๐™ฅ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™ค๐™ง๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™š๐™๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™ฅ๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–. ๐™ˆ๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ!โ€ ๐™–๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐˜ฝ ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™‹๐™–๐™ก๐™ข๐™– ๐™Ž๐™ง.
Sa ilalim ng ordinansa, itatakda ang mga mekanismo para sa maayos na pagpapatupad nitoโ€”kabilang ang mga kwalipikasyon, proseso ng aplikasyon, at pondo na ilalaan mula sa Local Goverment Unit (LGU) ng Malay.
Isa itong patunay na pinahahalagahan ng pamahalaang lokal ang kagalingan at tagumpay ng bawat Malaynon sa anumang larangan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay