
Ni: Shaine Sorrosa
MALAY, AKLAN – Isang makabuluhang hakbang ang naisakatuparan ng Sangguniang Bayan ng Malay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansang layong bigyan ng monetaryong insentibo ang mga Malaynon na nagkamit ng karangalan sa akademiko, kasanayan, kultura, at iba pang prestihiyosong larangan.
Ang ordinansa na may pamagat na:“An Ordinance Granting Monetary Awards to Malaynons Who Excel in Academic, Skills, Cultural-Related Competitions, and Prestigious Recognitions, and Appropriating Funds Therefor,”ay iniakda at inisponsoran ni Sangguniang Bayan Member Alan Palma Sr.
Nagpahayag ng pasasalamat si SB Member Palma Sr. sa kanyang mga kapwa konsehal sa pagbibigay suporta at pagtibay sa kanyang inihaing panukala. Layon nitong mabigyan ng kaukulang gantimpala ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para sa mga taga Malay at Boracay na may naipakitang kahusayan at makapagbigay karangalan lalo na sa national at international na lebel.
“𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝘾𝙤-𝙎𝙥𝙤𝙣𝙨𝙤𝙧𝙨 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙨𝙚𝙝𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙙𝙞𝙣𝙖𝙣𝙨𝙖. 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙡𝙖𝙮!” 𝙖𝙣𝙞 𝙎𝘽 𝘼𝙡𝙖𝙣 𝙋𝙖𝙡𝙢𝙖 𝙎𝙧.
Sa ilalim ng ordinansa, itatakda ang mga mekanismo para sa maayos na pagpapatupad nito—kabilang ang mga kwalipikasyon, proseso ng aplikasyon, at pondo na ilalaan mula sa Local Goverment Unit (LGU) ng Malay.
Isa itong patunay na pinahahalagahan ng pamahalaang lokal ang kagalingan at tagumpay ng bawat Malaynon sa anumang larangan.