
Iloilo City- Pamumunuan ni Regional Agriculture and Fishery Council (RAFC) Chairperson Buen S. Mondejar ang Department of Agriculture (DA) Western Visayas bilang Farmer Regional Executive Director (FRED) ngayong Mayo.
Ang buwan ng Mayo ay idineklarang Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33, s. 1989.
Ayon kay Regional Executive Director Dennis R. Arpia, sa pamamagitan ng programang ito at patuloy na pagtutulungan ng ahensya at ng RAFC, higit na mapapaigting ang pagpapatupad ng mga inisyatibang magpapabuti sa kalagayan ng sektor.
Ibinahagi rin ni FRED Mondejar ang mga programang at estratehiyang kanyang isusulong sa loob ng isang buwan.
#FarmerRegionalExecutiveDirector #FarmersandFisherfolkMonth #DAWesternVisayas