
KALIBO, Aklan- Nagbabala sa ngayon ang Uswag Ilonggo Partylist lalo na sa mga Akeanon na kailangang magtipid dahil asahan ang naka ambang mabigat na krisis bago matapos ang taong 2026.
Ayon kay Partylist Congressman Jojo Ang, ang nahaharap na krisis ay posibleng mas higit pa sa COVID 19 pandemic noong taong 2019-2021.
“Kailangang magtipid ng lahat, seryosohin ang posibleng krisis,” panawagan ni Ang sa mga Akeanon.
Nasa Kalibo si Ang kasama ang kaniyang bagong chief of staff na si dating second district congressman Teodorico Haresco. Eto ay bunsod ng imbitasyon ni Kalibo Mayor Juris Bautista-Sucro para pasimunuan ang inauguration ng Bagong Kalibo Covered Court at Children’s Playground sa Pastrana Park.
Ayon kay Haresco, na isa ring ekonomista katulad ni Ang, posibleng maramdaman ang krisis simula sa darating na Augusto patungong buwan ng November o higit pa.
“Ang dahilan ng krisis ay bunsod ng kakulangan ng fertilizer dahil sa giyera sa gitna ng Iran, Israel at Estados Unidos. Dahil dito, hindi makakakapagtanim ng maayos ang ating mga magsasaka na labis na makakapekto sa ating food security,” pahayag ni Haresco sa media.
Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na posibleng maranasan ang malubhang epekto ng El Nino sa buong bansa ngayong taong 2026.