
Ni: Mary Hope Zonio
Litrato: Pencak Silat Princess Cherry May Regalado
KALIBO, Aklan- Mainit nga sinalubong ng mga Aklanon sa pagdating sa Kalibo International Airport ng mga atletang sumali sa 32nd Southeast Asian o SEA Games 2023 sa Cambodia. Ang magpinsan na parehong bronze medalist na sina Shara Julia Jizmundo at Zandro Fred Jizmundo Jr. ay magkasama sa Philippine team sa larong Pencak silat at Khun Bukator.
Kabuuang 28 na atleta ang sumali sa SEA Games na pinangunahan ng defending women’s seni tunggal champion na si Mary Francine Padios. Sa nasabing numero, lima sa mga ito ay nagmula sa Aklan na kinabibilangan nina Shara Julia, Hanna Mae Ibutnande, Jasper Jay Lachica, Zandro Fred Jr. at si Padios.
Ang mga nasabing atleta kasama ang head ng national team coaching staff na si Freddie Jizmundo Jr. ay sinalubong ng mga opisyal ng LGU-Kalibo, Philippine Lightning Speed sa kanilang pagdating sa nasabing paliparan at nagsagawa pa ng mass demonstration.
Samantala, inihayag ni Jismundo na masaya sila dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Aklan ay nakapag-uwi sila ng maraming medalya na kinabibilangan ng 1 silver at 2 bronze sa pencak silat at 2 silver at 8 bronze naman sa Khun Bukator.
