
Ni: April Hope Zonio
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin ang Art Warrior Philippines sa Crimson Resort & Spa sa Isla ng Boracay sa paparating na Pebrero 25, 2023.
Ang Art Warrior ay isang live painting competition kung saan ang bawat event ay magtatampok ng 12 mga artists na isa-isang maglalaban sa loob ng tatlong rounds sa 20 minutong live painting.
Ang mga mananalo ay pipiliin dependi sa boto ng mga napiling hurado at mga manonood. Ang nasabing kompetisyon ay bukas para sa lahat ng mga amateur o professional artists na mayroong talento sa larangan ng pagpipinta.
Ang mga sasali naman ay pipiliin dependi sa bakanteng slot at sa kanilang ipinapasang materyales. Ang sinuman na gustong sumali at gustong manalo ng malaking premyo kasama ang P10,000 para sa tatanghaling winner sa nasabing event ay puweding magsumite ng aplikasyon kasama ang maiksing pagkakilanlan ng artist, 4 na high-resolution artwork, at mga dahilan kung bakit gusto nitong sumali sa nasabing kompetisyon.
Maaaring ipadala ang mga nasabing dokumento sa mga masunod na email address; boracay.artist@crimsonhotel.com o kaya naman ay sa artist@artwarriorphilippines.com.