
Ni: April Hope Zonio
Nagpalabas ng abiso ang Kiwanis Club of Kalibo Ati-atihan may kinalaman sa bagong schedule ng kanilang isasagawang On-The-Spot Art Competition kung saan inilipat ito sa Pebrero 11 , araw ng Sabado bandang alas-9:00 ng umaga mula sa dating schedule na Enero 28.
Ang 5th Young Artist Competition na ito ay naglalayong makapaabot ng serbisyo sa mga kabataan na may angking talento sa larangan ng sining.
Napag-alaman na ang bagong schedule ng nasabing kompetisyon ay upang mabigyan ng oras ang mga sasali na makapaghanda at matapos muna ang kanilang mga kailangang tapusin sa paaralan. Isa rin sa mga naging rason ng pagpaliban ay ang nagbabadyang sama ng panahon ngayong linggo kung saan posibleng makakaapekto sa pagpunta ng mga bata sa mismong lugar kung saan gagapin ang kompetisyon.
Ang mga gustong sumali sa nasabing kompetisyon ay puweding makipag-ugnayan sa Kiwanis Secretariat na sina Donna or Mark Reyes o kaya naman ay tumawag lamang sa numerong 09466797904 o sa 09122418131.
Ang On-The Spot Competition ay magsisimula bandang alas-9:00 ng umaga hanggang sa alas-12:00 ng hapon samantalang ang paghatol sa kanilang mga likha ay alas-2:00 hanggang alas- 4:00 ng hapon.
You sent