
NEW WASHINGTON, Aklan – Inaasahan nang malapit nang matupad ang matagal nang hangarin ng mga Aklanon ang muling mabuhay ang operasyon ng Dumaguit Port sa bayan na eto.
Ayon kay Niven Maquirang, officer in charge ng Port Cruise Ship Operation ng Aklan malapit na kasing matapos ang isinasagawang rehabilitasyon ng Dumaguit Port sa bayan na eto.
Kung matatandaan, noong March 2024 personal na hiningi ni dating New Washington Mayor Jessica Panambo sa USWAG Partylist ang P188 milyon na pondo para sa rehabilitasyon ng nasabing Dumaguit Port.
Ayon kay Maquirang, sa oras na mataposna ang proyekto bubuksan eto sa mga kumpaniya ng roro para sa direktang Dunaguit-Batangas na biyahe at vice versa.
Ibig sabihin nito ayon kay Maquirang, matutulungan nito ang ngq cargo operators na mas mapabilis ang biyahe ng mga cargi magmula Manila maging hangang sa Iloilo.
Kasalukuyang nasa Batangas-Caticlan pa ang biyahe ng maraning roro operators.
Kung matatandaan, noong nakalipas na taon kilala ng mga Aklanon ang Dumaguit Port bilang pangunahing gateway ng mga Aklanon patungong Manila.