Connect with us

Politics

Cayetano muling nanawagan ng agarang aksyon laban sa child stunting

Published

on

Kasabay ng pagsisimula ng Nutrition Month ngayong July, muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang laban sa child stunting.

Kasunod ito ng inilabas na ulat ng Department of Science and Technologyโ€“Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) nitong June 17, 2026 na nagsabing tumaas sa 25.3 porsiyento noong 2025 ang stunting rate ng mga batang limang taong gulang pababa mula sa 23.6 porsiyento noong 2023.

Ito ang unang pagtaas ng stunting rate sa nakalipas na sampung taon, na nangangahulugang isa sa bawat apat na batang Pilipino na limang taong gulang pababa ay nakararanas na ngayon ng stunting.

Ayon kay Cayetano, lalo lamang pinatutunayan ng naturang datos ang pangangailangang palakasin ang mga programang pumipigil sa stunting dahil isa ito sa pinakamahalagang pamumuhunan ng gobyerno para sa kinabukasan ng bansa.

โ€œThe best return of investment, peso to peso, is in anti-stuntingโ€ฆ You can have free and quality education, scholarships, and the best computers, pero โ€˜pag stunted ang bata, mahirap nang mai-correct iyon,โ€ wika niya.

Ang stunting ay tumutukoy sa hindi normal na paglaki ng bata dulot ng matagal na kakulangan sa tamang nutrisyon sa mga unang taon ng buhay na maaaring magkaroon ng panghabambuhay na epekto sa pisikal na paglaki, pag-unlad ng pag-iisip, at magiging kakayahan ng bata sa hinaharap.

Nitong July 2025, inihain ni Cayetano ang Senate Bill No. 416 o ang panukalang Anti-Stunting Action Plan (ASAP) Council Act bilang isa sa kanyang mga prayoridad na panukala sa ika-20 Kongreso.

Layunin ng panukala na bumuo ng isang permanenteng high-level body na mag-uugnay sa mga nutrition program ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, magbabantay sa pagpapatupad ng mga ito, at titiyak sa tuloy-tuloy na suporta para sa mga buntis, ina, at maliliit na bata.

Binigyang diin ni Cayetano na ang epekto ng child stunting ay hindi lamang nararamdaman habang bata ang isang tao kundi maaari ring makaapekto sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa.

โ€œA high prevalence of stunted children erodes the human potential, productivity and economic growth of countries. This national emergency must be addressed ASAP,โ€ wika niya.

Katulad ng rekomendasyon ng health experts, sinabi rin ni Cayetano na napakahalaga ng mga interbensyon sa loob ng unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata upang maiwasan ang pangmatagalang epekto ng stunting.

โ€œMarami sa stunted na bata ang magiging future Persons with Disabilities (PWDs). The more that we take care of the stunting now, the less we have to spend on the interventions later on,โ€ wika niya.

Paulit-ulit nang isinusulong ni Cayetano sa Senado ang usapin ng child stunting, at iginiit na dapat manatili itong isa sa pinakamataas na prayoridad ng pamahalaan dahil madalas ay hindi na naibabalik sa normal ang pinsalang dulot nito.

Nanawagan din siya sa lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno na magpatupad ng iisang pambansang plano at magsagawa ng pilot interventions sa mga lalawigang may pinakamataas na kaso ng stunting, kabilang ang BARMM (36%), Zamboanga Peninsula (34.6%), Negros Island Region (30.9%), at MIMAROPA (30.3%).

โ€œWe need a specific intervention. Choose provinces na higher than 25 percent, yโ€™ung endangered of stunting, and see if mapababa natin ang prevalence,โ€ wika ng Minority Leader. ###

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Ati-Atihan Festival Hotel
Bread & Butter Biscocho de Boracay