Connect with us

Business

China Street sa bayan ng Kalibo, isinusulong

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan-Upang mas mabigyan ng buhay ang industriya ng turismo sa bayan ng Kalibo, isinusulong ngayon ni Kalibo Vice Mayor Cynthia Dela Cruz na gawing China Street ang bahagi ng Rizal Street sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Vice Mayor Dela Cruz na ang nasabing hakbang ay magbibigay rin ng mas maraming negosyo at trabaho sa mga lokal na residente ng Kalibo.

Aniya, nakipag-usap na umano siya sa mga stakeholders at sa Chinese community sa Kalibo tungkol sa nasabing plano kung saan naging maayos naman ang kanilang naging tugon dito. Ngunit nilinaw naman niya na hindi agad nila ito maipatupad dahil hindi na nakapaloob sa kanilang pondo ngayong taon.

Sa ngayon ay aprubado na ang kaniyang resolusyon tungkol dito at gagawan pa niya ito ng ordinansa para sa mas matibay na panuntunan sa isasagawang implementasyon.

Kung sakaling maisakatuparan na ang Chinese Street sa Kalibo ay posibleng masaksihan sa lugar ang Chinese arch, lanterns at iba mga desinyong naayon sa kultura ng mga Chinese.

Ang Rizal St ay pinaniniwalaang ‘China town’ ng Kalibo noong unang panahon.

Bread & Butter Biscocho de Boracay