
Ni: Mary Hope Zonio
Nagpatupad ng condonation ang Aklan Provincial Government sa mga tax payers nga may deliquent real properties. Inanunsiyo ngayon ng Aklan Provincial Treasurer’s Office na magpapatupad sila ng condonation o pagsisingil ng walang anuman na penalidad o surcharges sa mga deliquent Real Properties sa buong lalawigan.
Ayon kay Bernardino Villaruel, ito ay naaayon sa Tax Ordinance No. 2022-006 na inaprubahan noong nakaraang Setyembre 12, 2022.
Dagdag pa nito na ang mga delinquent real properties ay kailangan lamang mabayaran hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.
Kasunod nito ay hininikayat niya ang mga tax payers na samantalahin ang ibinibigay sa pagkakataon ng gobyerno.