Connect with us

Advisory from the Government

Mga Aklanon, puwedi nang kumuha ng EPHIlID

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

 

Ni: Mary Hope Zonio

Inihayag ngayon ng head ng Philippine Statistics Authority o PSA-Aklan na si Engr. Antonet Catubuan na puwedi nang kumuha ng digital version ng PhilSys ID o EPHILID ang mga Aklanon.
Ito aniya ang magiging pansamantalang Identification card o ID na kanilang ibibigay habang inaantay pang dumating ang physical ID.
Sa ngayon ay target umano nilang nakapagbigay ng 50 million na mga ID hanggang sa Disyembre 2022 kung saan 30 million dito ay physical ID at 20 million naman ang EPHILID.
Ang EPHILID ay pwedeng magamit sa lahat ng mga transaksyon sa bangko o kaya naman ay sa pribadong at pampublikong mga tanggapan. Ang sinumang gustong kumuha ng EPHILID ay puweding pumunta sa mga registration center ng PSA at dalhin lamang ang transaction slip na ibinigay sa kanila noong sila ay nagparehistro.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay