

Ni: Mary Hope Zonio
NEW WASHINGTON, Aklan- Kahit masama ang panahon, bunsod ng red rainfall warning dahil sa Bagyong Betty sa lalawigan ng Aklan noong nakaraang Biyernes, Hunyo 2, 2023 ay nakatanggap naman ng magandang regalo mula Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 6 ang dalawang centenarian mula sa bayan ng New Washington Aklan.
Ayon kay New Washington Mayor Jessica Panambo, ang dalawang centenarian ay sina Lolo Napoleon ng Brgy. Cawayan at Lolo Federico ng Barangay Jugas. Kasama ng DSWD Region 6 ang Staff ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA sa kanilang paghatid ng programa.
Ang dalawa kasi ay nakaabot na sa 100 years old bagay na binigyan ng 100,000 na centenarian cash gift ng DSWD.
“Ito ay naayon sa ipinapatupad na Centenarian Act of 2016 para sa mga Pilipino kung saan kapang umaabot sa edad na 100 taon o higit pa ay makakatanggap ng cash gift mula sa gobyerno,” pahayag ni Panambo.