Connect with us

Lifestyle

Kalibo Diocese Ipagdiriwang ang Pagtatapos ng Paglalakbay ng Jubilee Cross

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Nakatakdang ipagdiwang ng Kalibo Diocese ang pagtatapos ng paglalakbay ng Jubilee Cross.
Base sa impormasyong nakalap ng Boracay Island News Network (BINN) , isasagawa ang selebrasyon sa darating na March 26-27 ngayong taon sa Kalibo Cathedral.
Kung matatandaan, inilunsad ng Kalibo Diocese ang Jubilee Cross noong taong July 2023 bilang paghahanda sa 50 taong anibersaryo ng lokal na Simbahan.
Simula noon, inilibot na ang Jubilee Cross sa iba’t ibang institusyon sa Kalibo, paaralan, opisina ng pamahalaan at iba pa.
Isasagawa ang programa sa Royal Suites sa March 26 at sa Marso 27 naman ang banal na misa sa Kalibo Cathedral. Ilan lamang sa mga isasagawang activities ay ang giving of certificates, life’s testimony, retreat, confession at iba pa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay