
KALIBO, Aklan- Personal na inindorso ni Army Lt. Matias ‘Matt’ Wacan si dating Governor Florencio Miraflores na tumatakbong second district congressman ng Aklan.
Ito ang inihayag ni Wacan sa isinagawang press conference sa Netters Garden Biyernes ng tanghali. Pinatawag niya ang press conference para personal na ipaalam sa publiko ang kaniyang pag withdraw sa kandidatura bilang seconnd district congressman aspirant ng Aklan.
“Hinihiling ko sa aking mga supporters na suportahan na lamang si Miraflores,” pahayag nito sa media.
Noong nakalipas na 2022 election, kung saan tumakbo din etong congressman nakapagtala eto ng mahigit 8,000 na boto.
Bagaman inindorso si Miraflores itinangi naman ni Wacan na nasa likod ng kaniyang pag endorso ang grupong Tibyog na pinamumunuan ng dating gobernador ng Aklan.
“Walang sinomang makakapgdikta sa akin ng aking mga desisyon. Naisipan kong mag withdraw dahil sa katotohanan alam kong matatalo pa rin ako dahil sa bigat ng aking mga makakalaban. Wala akong pera para mangampaniya,” dagdag pa ni Wacan.
Inamin naman ni Wacan na personal niyang kakausapin si Miraflores para ipahayag ang kaniyang suporta sa dating gobernador na ngayon ay tumatakbong congressman ng second district gn Aklan.
Makakalaban ni Miraflores ang pinsang buo nitong incumbent congressman Teodorico Haresco.