
Tangalan, Aklan- Pinuri ni Rylo ‘Starboy’ Tumbukon ang mga residente ng Tangalan, Aklan dahil sa aktibo nitong pagdiriwang ng lingo ng kabataan sa panahon ng pasko.
Ayon kay Tumbukon, ilan lamang sa mga barangay na nagsagawa ng lingo ng kabataan ay ang mga barangay ng Baybay, Poblacion at Dapdap.
“Pagbati sa mga SK facilitators ng Baybay, Poblacion at Dapdap para sa tatlong araw na selebrasyon para sa ating mga kabataan. Ro inyong partisipasyon ro gatao it pagdungog sa selebrasyon. Padayon natong ipakita nga ro mga inunga ro tagipusuon it progreso ag pagbag-o,” pahayag ni Tumbukon.

Nakilala si Tumbukon nang makopo nito ang titulong Mr Philippines noong taong 2018-2019 sa ilalim ng International Federation of bodybuilding and fitness. Nirepresentante nito hindi lamang ang probinsiya ng Aklan kung hindi maging ang bansang Pilipinas sa buong mundo.
““Naniniwala po ako, that every Akeanon should come home, na we spread our wings, magpalakas tayo, ag umuwi tayo ng Aklan, para tayo mismong Aklanons, magpapaunlad sa sarili natin probinsya, isang puro na Akeanon para sa Aklan, Rylo Tumbokon, Serbisyo ay nasa dugo po namin, Serbisyo eang, walang iwanan!”,” pahayag pa ni Tumbukon.