
Ni: Joseph Rowen Dela Cruz
Sa isang survey na pinangunahan ng National Housing Authority(NHA) sa Brgy. Briones, Kalibo, ay natuklasan nila na karamihan sa housing units dito ay walang nakatira pero naka kandado.
Malaking problema umano ito sapagkat ayon sa criteria ng National Housing Authority(NHA), kailangan naroon mismo ang beneficiaries ng housing unit sa oras ng survey.
“May ilang benefeciaries ng NHA na ginagawa lamang front ang inuukapahang unit sa lugar”, ito ay ayon kay Brgy. Captain Rafael Briones sa General Assembly ng Brgy. Briones Yolanda Home Owners Association(BBYHOA) kahapon, July 20, 2022.
Dagdag pa niya, na ito daw ang dahilan kung bakit maraming record sa barangay ng nakawan sa mga naka kandadong units.
Samantala, nangako naman si Mayor Juris Bautista Sucro, kasama ang LGU-Kalibo, na sisikapin nila na mapapinturahan ng pare-pareho ang mgs housinh units upang maging kaaya-aya itong tingnan.