Connect with us

Commentary

NAGHIRAP. Tinanggihan ng buong industriya.

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Nagtiyaga sa halos libre, starving rate na talent fee. Patuloy na lumikha at tumugtog pa rin sila. E, sa ito ang ligaya nila! Ito ang ligaya nila na gusto rin nilang maging LIGAYA ng iba. Naunawaan sila ng henerasyon nila. Sila ang nag-revive ng Original Pilipino Music noong 90s… hanggang ngayon.

Katunayan ang Eraserheads na hindi sapat na henyo ka lang, dapat ding matigas ang ulo at dibdib mo para ipaglaban at isigaw ang nasa loob ng iyong puso. Eraserheads na uli ang aakyat sa stage mamaya. Rock and roll!

HUGE SUCCESS AFTER REJECTIONS

Sa interview kay Ely Buendia ilang buwan pagkaraan niyang sabihin kina Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raimund Marasigan (via text messages, he-he…) na disbanded na sila, itinanong ko kung ano ang naging formula niya sa huge success ng Eraserheads.

“Dahil siguro sinunod namin ang hilig namin at ang gusto talaga naming tugtugin,” sagot ni Ely. “Wala kaming baggages, so there’s nothing to lose anuman ang tugtugin namin, sino ba naman kami noon?”

Sino sila noon? Kawawang unknown na ni-reject ng lahat na recording studio at radio stations. Wala ni isa mang naging interesado sa 9-song demo tape na inirekord pa nila sa garahe ng bahay ng pamilya ni Raymund sa Caldelaria, Quezon. Ang laging dahilan ng rejections: “Not pop enough.” That year, 1991 — P200 per night ang talent fee nila sa bi-monthly gigs sa Red Rock/Club Dredd. Mayo 1991 sila tinulungan ni Robin Rivera, kaibigang Humanities prof sa UP, para muling i-record at kinisin ang demo tape na nilagyan ng titulong “Pop U”. Ganti sa mga nang-reject dahil hindi sila “pop enough”.

Recently, may nag-post sa FB ng ticket sa concert ng Eraserheads noong 1996 sa UPIS Basketball Court, ang presyo P120. Simula rejections, P200 per night, umakyat nang umakyat ang value ng E’heads at kung kailan naman nasa kaitaasan, record-breaker ang sales ng albums at may concerts na sa iba’t ibang bansa — saka binuwag ni Ely. (Gusto n’yo bang mas detalyado kung bakit?) Ang isa ko pang tanong sa nasabing interbyuhan namin: “Andaming nanghihinayang, wala ka bang regrets na dinisband mo ang E’heads?”

“Alam mo, para sa akin, it’s the best career move I’ve ever made,” diretsong sagot niya. Ang sinabi niyang ito agad ang naalala ko nang kumalat ang inside information na tig-P10M ang hininging talent fee ni Ely para sa bawat member ng Eraserheads sa reunion concert nila noong 2008 sa Bonifacio Global City. Ibinigay ng corporate sponsors.

May reunion concert uli ang Eraserheads sa December sa SMDC Festivals Grounds. Sigurado, lalo pang tumaas ang talent fee nila. Sa conventional wisdom, kabiguan ang pagkabuwag. Pero para sa Eraserheads na ni hindi natinag sa rejections ng lahat sa entertainment industry noong una, ang pag-disband ay simula pa lang ng kanilang phenomenal success.

#SuccessUniversity
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10159725393978127&id=585258126&mibextid=Nif5oz
By: Dindo Balares, Litrato Ni: Kevin Pableo

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay