Connect with us

Politics

Panukala ni Bam Aquino na pababain ang VAT Suportado ni Vice Ganda

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Suportado ni Vice Ganda ang panukala ni Senador Bam Aquino na pababain ang Value-Added Tax (VAT). Lumabas ito sa isang segment ng noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime.”

Natanong ni Vice, host ng โ€œLaro Laro Pick,” ang isang contestant tungkol sa Senate Bill No. 2047 ni Aquino — na naglalayong ibaba ang VAT sa mga produkto at serbisyo mula 12 porsyento tungo sa 10 porsyento โ€“ para sa pagkakataong manalo ng P100,000.

“Para makatulong sa middle class sa gitna ng tumitinding crisis, nag-file ng Senate Resolution (Bill) si Senator Bam Aquino na magpapababa ng VAT mula twelve percent to ten percent. Naririnig mo ba yung salitang, yung term na VAT? Binabayaran natin ‘yan araw-araw. Maya’t maya araw-araw ‘di ba?” sabi ni Vice Ganda sa contestant.

โ€œIyon, ‘di ba, iyong buwis, yung VAT, ‘di ba? Yung T doon ano tax. ‘Di ba? V-A-T. Yung T, tax. Yung VAT na sinasabi natin, ang tanong ko simple lang. Ano yung V sa VAT?” dagdag pa niya.

Gayunman, hindi nasagot nang tama ng contestant ang tanong ni Vice Ganda. Ang VAT ay may kahulugan na Value-Added Tax.

Pinuri rin ni Vice Ganda si Aquino sa paghahain ng panukala, at sinabing makatutulong ito sa pagpapababa ng presyo ng mga produkto at serbisyo, kabilang ang mga produktong petrolyo.

โ€œSi Senator Bam Aquino, maganda tong naisip niya. Iyong nag-file siya ng Senate Bill 2047 that seeks to reduce VAT on goods and services, including petroleum products. ‘Di ba? Makakabawas-bawas. Maganda ‘yan,โ€ ani Vice Ganda.

Sa kanyang panukala, sinabi ni Aquino na makapagbibigay ito ng medium- at long-term solutions upang maprotektahan ang middle class mula sa epekto ng krisis sa Middle East at iba pang posibleng krisis sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng pagpapababa ng VAT, sinabi ni Aquino na makatutulong ang panukala upang maibsan ang pasanin ng mga consumer โ€”lalo na ang middle class na hindi nakakakuha ng tulong mula sa pamahalaanโ€”sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang bilihin dulot ng nagpapatuloy na oil crisis.

Tumayo si Aquino bilang co-author at co-sponsor sa Senado ng Republic Act No. 12316, na nagbibigay sa Pangulo ng emergency powers upang suspindihin o bawasan ang excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Noong Hulyo 8, 2025, ilang araw matapos manungkulan bilang mambabatas, naghain si Aquino ng Senate Bill No. 265 na naglalayong alisin ang excise taxes sa diesel, kerosene, liquefied petroleum gas (LPG), fuel oil, at unleaded gasoline sa ilalim ng TRAIN Law.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay