Connect with us
News Trends PH

Entertainment

Sino si Jessie Salvador?

Published

on


Ni: April Hope Zonio
KALIBO, Aklan- Naging maingay ngayon sa social media ang pangalan ni Jessilen Salvador na kapatid ng aktres na si Maja Salvador matapos na makapasok siya bilang pambato ng Aklan sa Binibining Pilipinas 2023 matapos na makakuha ng slot sa Top 40 official candidates ng nasabing beauty pageant.

Si Jessie Salvador na kapatid sa ama ng aktres na si Maja Salavador ay may dugong Aklanon dahil ang ina nito diumano ay tubong Guisi, Altavas. Nag-aral siya ng Elementarya sa bayan ng Altavas bago pa man pumuntang Metro Manila. May mga pamilya rin ito sa bayan ng Batan at New Washington.

Si Jessie ay isang baguhang artista at isa na rin sa mga bagong talent ng Crown Artist Management na pag-aari ni Maja.

Kung maalala, taong 2013 pa ito unang sumubok na pumasok sa showbiz industry ngunit ngayon pa lamang nakilala. Bago pa man nakilala ay nag-extra na rin ito sa ibat-ibang mga TV shows.

Kabilang si Jessy sa top 40 ng Binibining Pilipinas na isa sa pinakamalaking beauty pageant sa bansa ay humihiling naman ng tulong at suporta ang kaniyang pamilya sa lahat ng mga Aklanon upang matagumpayan nito ang kaniyang tatahaking landas.