
Ni Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Muling mabubuhay ang sigla ng musika at kumpas ng tambol sa bayan ng Ibajay, sa pagdaraos ng taunang Patik Contest na nakatakda sa Oktubre 17, 2025 sa Gavino Solidum Park, ganap na 1:00 ng hapon.
Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng munisipalidad sa Aklan at inaasahang lalahukan ng 15 piling drum and lyre corps, na binubuo ng 20 hanggang 30 miyembro kada grupo. Bawat pagtatanghal ay dapat tumagal ng hindi bababa sa limang (5) minuto at hindi lalampas sa pitong (7) minuto, batay sa itinakdang alituntunin ng kompetisyon.
Ipinapaalala sa lahat ng kalahok na hindi pinahihintulutan ang paggamit ng mekanikal, elektronikong kagamitan, o motor na instrumento. Tanging drums, lyre, at mga simpleng props tulad ng banner o bandila ang maaaring gamitin.

โฑ20,000 โ Unang Gantimpala

โฑ15,000 โ Ikalawang Gantimpala

โฑ10,000 โ Ikatlong Gantimpala

โฑ3,000 bawat isa โ Para sa mga grupong hindi makakapasok sa top 3
Para sa karagdagang impormasyon at pagpapareserba ng slot, maaaring makipag-ugnayan kay Mr. Eric Condez sa numerong 0929-150-6002 o sa pamamagitan ng Facebook Messenger: Erico Condez.
Photo credit to LGU Ibajay Page