
Croatia- Punong-puno ng kulay, musika, at kultura ang pagbubukas ng PhilippinesโCroatia Friendship Week sa DMW Main Office sa Mandaluyong City nitong October 14, 2025. Tampok sa programa ang mga Filipino performers na ipinamalas ang husay at galing ng lahing Pilipino sa pamamagitan ng awitin at sayaw. Umindak sa entablado ang mga kabataang dancers sa masiglang Tinikling performance, na sinabayan ng mga awiting Filipino na nagbigay-buhay sa selebrasyon ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Saksi sa makulay na cultural showcase sina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW), Philippine Ambassador Evangelina Lourdes Arroyo-Bernas, at mga Croatian delegates na pinangunahan nina Mr. Gordan Grliฤ Radman, Minister of Foreign and European Affairs, at Mr. Ivan Vidiลก, State Secretary ng Ministry of Labour, Pension System, Family and Social Policy. Sa pagbubukas ng Friendship Week, ipinahayag ng DMW ang patuloy nitong pagsuporta sa pagkakaisa, pagkakaibigan, at cultural exchange sa pagitan ng Pilipinas at Croatia.
Samantala, sapagbubukas ng PhilippinesโCroatia Friendship Week sa DMW Main Office sa Mandaluyong City, binigyang-diin ni DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac ang mas matibay na ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Republic of Croatia para sa kapakanan at proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Ipinagmalaki ni Secretary Cacdac ang Government-to-Government (G2G) pilot hiring program na nagbukas ng 435 trabaho para sa mga Pilipino sa hospitality sector ng Croatia.
Ang programang ito ay bahagi ng pagpapatupad ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbukas ng ligtas, etikal, at marangal na oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino sa ibang bansa.

โThis milestone was made possible through the strong and visionary leadership of President Ferdinand R. Marcos Jr., who personally ratified the Memorandum of Cooperation between our two governments in January 2025. Under this partnership with Croatia, that vision is becoming a reality.โ
Tinatayang may 12,000 Pilipinong manggagawa na ngayon sa Croatia, Slovenia, at Slovakia, karamihan ay namamayagpag sa mga industriya ng hospitality, construction, at services.
Nagpasalamat si Secretary Cacdac sa pamahalaan ng Croatia at sa mga employment partners nito sa tiwala at patas na pakikitungo sa mga Pilipinong manggagawa.
โTo our partners from the Croatian government and employment sector, thank you for your trust in the Filipino workforce and for upholding fair and transparent hiring practices under our bilateral agreement. To our OFWs, both here and in Croatia, you are the beating heart of this mission. You carry our flag abroad with honor, dedication, and unmatched professionalism. This Friendship Week is for you.โ
Nanindigan ang Department of Migrant Workers (DMW) na ipagpapatuloy nito ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang katuwang sa pagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino, at sa pagsusulong ng makataong labor cooperation batay sa respeto at pagkakaibigan.