Connect with us

Election 2025

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay
Bumuhos ang suporta ng mga lokal na lider sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa Mayo.
Kamakailan lang, nagpahayag ng suporta ang mga gobernador na sina Ben Evardone ng Eastern Samar, Edwin Ongchuan ng Samar, Eugenio “Bong” Lacson ng Negros Occidental, Daniel Fernando ng Bulacan; at dating Gobernador Alvaro Antonio ng Cagayan.
Nakuha rin ni Robredo ang suporta nina Cagayan de Oro 2nd District Congressman Rufus Rodriguez at Basilan Congressman Mujiv Hataman.
Naniniwala ang mga lokal na opisyal na si Robredo ang karapat-dapat na mamuno sa higit sa 100 milyon na Pilipino sa susunod na anim na taon dahil sa taglay nitong tapang at puso sa paglilingkod.
Samantala, nagdeklara rin  ng suporta ang mga miyembro ng The Outstanding Women in the Nation’s Service o TOWNS sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon sa TOWNS, si Robredo ang uri ng lider na kailangan ng mga Pilipino para sa mas magandang Pilipinas. Naniniwala sila na maibabalik ni Robredo sa tamang landas ang bansa, maitataguyod ang serbisyo para sa mga nangangailangan, mapapanatili ang paggalang sa Saligang Batas at maproprotektahan ang karapatan ng bawat Pilipino.
Anila, ang uri ng liderato ni Robredo ay nakabatay sa kanyang malinis na track record bilang public advocacy lawyer bago pa man siya pumasok sa pulitika.
Enter

Avril

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay