
Suportado ng mga retiradong senior officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo.
Ayon kina Retired Brig. Gen. Domingo Tutaan at dating PNP spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., mayroong malinaw na “program of action” si Robredo para matugunan ang mga isyu ukol sa tanggulang pambansa at seguridad.
Anila, makikita rin kay Robredo ang integridad at lakas na kailangang taglay ng mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.
Maliban sa dalawa, marami pang retiradong PNP chiefs at AFP chiefs-of-staff ang kabilang sa grupo, mula sa Manila at mga lalawigan.
Bitbit ni Robredo ang platapormang “Oplan Angat Agad”, na layong isulong ang paglikha ng trabaho, pagpapaigting ng sistemang pangkalusugan ng bansa at pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon.