
Dapat nang sampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong kriminal ang pamilya Marcos dahil sa patuloy nitong pagtanggi na bayaran ang utang na P203 bilyon sa estate tax, ayon sa isang dating commissioner ng Presidential Commission on Good Government.
Kinontra rin ni Ruben Carranza ang pahayag ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. na dinidinig pa ng korte ang isyu ukol sa estate tax.
Aniya, matagal nang final at executory ang mga desisyon ng Korte Suprema ukol sa isyu ng estate tax noong 1997 at 2003.
Noong 1997, nagpasta ang Korte Suprema na mayroong utang ang mga Marcos na P23 bilyon sa estate tax. Umabot na sa P203 ang utang dahil sa interes.
Iginiit din ni Carranza na dapat sina Bongbong at Imelda Marcos ang magbayad ng nasabing estate tax dahil sila ang co-administrators ng estado ni Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay Carranza, dapat kolektahin na ng BIR ang utang ng mga Marcos sa estate tax. Kung patuloy silang tatanggi, dapat nang sampahan ng BIR ng kasong kriminal si Bongbong.
Naniniwala si Carranza na maaaring mabalewala ang utang sa buwis ng mga Marcos kapag nanalong pangulo si Bongbong sa Mayo.