Latest News
Jolibee Nakipagtulungan sa BIR sa Post Evaluation ng PCOS Machines

BULACAN โ Bida ang Saya!
Nakipagtulungan ang Jollibee sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang post-evaluation ng Cash Register Machines (CRM) at Point-of-Sale (POS) systems ng isang sangay nito sa ilalim ng Revenue District Office (RDO) 25-A West Bulacan noong Agosto 25, 2026.
Isinagawa ang aktibidad ng mga field officers ng BIR mula sa RDO 25-A at Revenue Region No. 5โCamanava and Bulacan bilang bahagi ng pagsusuri sa compliance ng establisimyento sa mga kinakailangan ng ahensya.
Batay sa isinagawang pagsusuri, maayos ang sales records ng naturang Jollibee branch at gumagana nang maayos ang mga POS machines na kasalukuyang ginagamit nito.
Tinulungan din ng mga BIR officer ang branch na ma-cancel ang mga lumang POS machines na hindi na ginagamit upang maging updated at tama ang mga rekord ng establisimyento sa BIR.
Ayon sa BIR, ipinapakita ng aktibidad na mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga negosyo at ng ahensya upang matiyak na maayos ang mga rekord, agad na natutugunan ang mga kailangang ayusin, at napapanatili ang pagsunod sa mga regulasyon sa buwis.
Ang post-evaluation ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BIR na mapabuti ang tax compliance at matiyak ang wastong paggamit at pagrerehistro ng mga CRM at POS systems ng mga negosyo.


