
Bilib ang mga netizen kay Vice President Leni Robredo sa paglalatag nito ng malinaw at komprehensibo at nakabatay sa datos na mga plano para sa bansa at para sa pagbangon ng mga sektor na naapektuhan ng pandemya sa unang presidential debate na ikinasa ng Commission on Elections.
Pinuri ng mga netizen, artista at maging mga kaalyado gaya ni dating Senador Antonio Trillanes ang posisyon ni Robredo ukol sa pagbangon ng ekonomiya kung saan nais niyang magbigay ng P100 bilyong stimulus package para micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Umani rin ng papuri ang closing statement ni Robredo kung saan binigyang diin niya na ang totoong lider ay nagpapakita. Naging No. 1 trending topic naman ang hashtag #KayLeniNaTayo sa bansa at No. 2 sa buong mundo na mayroong 100,000 tweets. Tumatakbo si Robredo sa plataporma ng โOplan Angat Agadโ, na nakatuon sa trabaho, kalusugan at edukasyon.