Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Boad (LTFRB) ang deadline sa pagbabayad ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga panuntunan ng ahensya ng mga public utility vehicle (PUV) operator.
Base sa inilabas na Board Resolution no. 163 s. 2022, inurong ang deadline ng pagbabayad ng supervision fee hanggang ika-31 ng Disyembre mula sa orihinal na taunang deadline ng ika-30 ng Setyembre ngayong taon.
Ang pagbabayad ng multa dala ng hindi pagtupad sa mga sumusunod na transaksyon ay ipagpapaliban sa kondisyon na mai-file ang naturang mga transaksyon ng hindi lalagpas ng ika-31 ng Disyembre 2022:
1) Application for Extension of Validity of Expired CPC na may expiry date mula ika-1 ng Marso 2022 hanggang ika-30 ng Setyembre 2022
2) Non-confirmation of PUV unit na hindi lalagpas ng dalawang (2) taon, at saklaw sa panahon ng ika-1 ng Marso 2020 hanggang ika-30 ng Setyembre 2022
3) Late Payment of Supervision Fee na saklaw sa ng taong 2020 hanggang 2021
4) Non-filing of Income Tax Return (ITR)/Audited Financial Statement (AFS) na saklaw ng panahon ng taong 2019 hanggang 2021
5) Non-registration of unit from private to for-hire na saklaw sa panahon ng taong 2020 hanggang 2021.
Base naman sa mga naunang nailimbag na Department Order ng Department of Transportation (DOTr) at mga Memorandum Circular ng LTFRB, ang mga sumusunod na transaksyon ay may bayad at may kaakibat na multa kapag hindi mai-file ang naturang mga transaksyon:
1) Application for Extension of Validity of Expired CPC
Bayad: P510 para unang dalawang PUV units, P70 kada unit lagpas sa dalawa (2)
Multa: P10,000 kada unit (P5,000 para sa mga PUJ)
2) Non-confirmation of PUV
Bayad sa Confirmation: P240 (P200 Confirmation Certificate Sticker + P40 Confirmation Fee)
3) Late Payment of Supervision Fee
Bayad/Multa: P70 kada sasakyan na mas mababa sa dalawang (2) tonelada ang bigat (P140 sa higit sa mas mababa sa 3 tonelada, P210 sa higit sa 3 tonelada pero mas mababa sa 4 tonelada, P90 kada tonelada kung mas mabigat sa 4 tonelada)
4)Non-filing of Income Tax Return (ITR)/Audited Financial Statement (AFS)
Bayad/Multa: P500
5) Non-registration of unit from Private to For-Hire
Multa: P250
Ang pagpapalawig ng pagbabayad ng Supervision Fee at pagpapaliban ng multa sa mga transaksyon na nabanggit ay ipinapatupad bilang pag-unawa ng LTFRB sa mga pagsubok na nararanasan ng mga PUV operator dahil sa mga hamong dala ng pandemya.
Sa kabila niyan, pinapaalalahanan ng ahensya ang mga PUV operator na sumunod pa rin sa mga kondisyon at alituntunin ng kanilang mga CPC.
Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa.