
Ni: Mary Hope Zonio
Boracay Island-Inaasahan na ngayon ng Aklan Provincial Government at Malay Tourism Office ang pagdagsa ng mga European tourist sa Isla ng Boracay kasunod ng nalalapit na pagdating ng isang high-end cruise ship na MS Seabourn Encore sakay ang hindi bababa sa 400 na mga European tourist sa Pebero 13.
Inihayag ni Mr. Nieven Maquirang, Executive Assistant IV ng Office of the Governor na ito ang kauna-unahang cruise ship na pupunta sa Boracay matapos ang dalawang taon na pandemya.
Maliban sa nasabing high-end vessel, nakatakda ring pumunta sa Boracay ang iba pang mga cruise ship sa petsa 3, 6 at 8 ng Marso kung saan mga European tourist rin ang mga sakay nito.
Ayon kay Maquirang, tatagal ng walong oras ang mga turista sa Boracay at susunod rin itong pupunta sa Palawan.
Sa ngayon ay tinatapos na umano nila ang mga ipapatupad na health protocols sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa Bureau of Quarantine,
Immigration at Port Operators upang masiguro na magiging maayos ang pagdating ng mga turista. Tinatayang umaabot sa masobra sa walong mga cruise ship ang inaasahang pupunta sa Boracay ngayong taon na magdadala rin ang daan-daang mga turista.