Business
Soling Tapsideria, Bukas na 24 Oras

KALIBO, AKLAN โ Mas pinahaba na ng Soling Tapsideria ang oras ng operasyon nito sa Capitol Branch sa Kalibo, Aklan, matapos ipahayag ni Mark Sy, Chief Executive Officer ng Solings sa kanyang Facebook page na bukas na ang kanilang Capitol Branch 24 oras kada araw.
Kilala ang Solings Tapsideria sa kaniyang masarap na Pares menu. Matulungin din eto sa mga kostumer dahil nagbibigay eto ng libreng Pares sa mga tricycle drivers, estudyante, mga gyro at iba pa sa ibat ibang pagkakataon.
Sa bagong operating schedule, maaari nang magtungo sa Soling Tapsideria anumang oras ang mga naghahanap ng pagkain, kabilang ang mga maagang bumibiyahe, night-shift workers, estudyante, at mga nais kumain sa dis-oras ng gabi.
Ang Soling Tapsideria ay may apat na branches sa Aklanโtatlo sa bayan ng Kalibo at isa naman sa bayan ng Makato.
Ang 24-oras na operasyon ng Capitol Branch ay inaasahang magbibigay ng mas malaking accessibility sa mga customer, lalo na sa mga residente at biyaherong dumadaan sa lugar.
Patuloy namang inaanyayahan ng Soling Tapsideria ang kanilang mga suki at bagong customers na bisitahin ang kanilang mga branches para sa kanilang mga putahe anumang oras ng araw o gabi.


