
Ibajay, Aklan- Pormal nang kina kalaban ni Second District Congressman Teodorico Haresco ang ka niyang pamangkin na si Governor Jose Enrique Miraflores sa darating na halalan sa Mayo 2025.
Sinasama na ni Haresco sa kaniyang pag-iiikot sa second district ng Aklan ang isa sa mga gubernatorial candidate na si Joseph Pierre Teodosio. Maliban kay Miraflores at Teodosio, nag file din ng kandidatura sa pagka gubernador ang isa pang independent candidate na si Wilfredo Tolentino.
Kasama din ni Haresco sa pag-iikot ang anak niyang si Jose Haresco na nauna nang nag file ng certificate of candidacy (CoC) na tumatakbo bilang miyembro ng Sanguniang Panlalawigan.
Naispatan din si Teodosio sa ancestral house ni Haresco sa Ibajay noong ati-ati.
Noong October sa pag file ng CoC, sinabi ni Ted Haresco na hindi siya naglagay ng kandidato sa kaniyang pamangkin na si Joen Miraflores dahil sa kaniyang pag respeto nito.
Nagulat na lamang diumano eto ng biglang tumakbo ang ama ni Joen na si dating Governor Florencio Miraflores laban kay Haresco.
Inaasahan naman na lalo pang titindi ang tensyon sa hidwaan ng Haresco at Miraflores sa pagsapit ng panahon ng kampaniya sa local na pamahalaan sa buwan ng Marso.