Connect with us

Commentary

Inspiring Stories But Not True

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

By: Raymond Sucgang

Maraming “inspiring stories” na kinagisnan natin, pero hindi naman pala totoo. Halimbawa na lang, matagal nang itinuturo noon sa grade school na si Agapito Flores ang inventor ng fluorescent light, pero fake news pala iyon. Paulit-ulit lang siyang isinama sa mga aklat at kwento hanggang sa naging “katotohanan” sa isip ng marami.
Ganyan din ang mga sabi-sabi na San Miguel daw ang best beer in the world. Aminado ako, napaniwala rin ako rito. Mga dalawampung taon na ang nakalipas, noong bata at gullible pa ako, nag-OJT ako sa Germany dala ang matibay na paniniwala na “we have the best beer in the world.” Natural, nagtaasan ang kilay ng mga Aleman. Pero sa halip na pagtawanan ako, dinala nila ako sa iba’t ibang beer breweries, lalo na sa Freising, kung saan matatagpuan ang ilan sa pinakamahuhusay na beer sa mundo.
Doon ko natikman ang sari-saring klase ng beer, mula lagers hanggang ales. Sa dami ng aking na-taste test, parang naging instant beer connoisseur pa nga ako 😄. At syempre, malinaw sa sarili ko pagkatapos noon: fake news pala ang pinaniniwalaan kong dala-dala.
Marami pa tayong ganitong self-praise bilang mga Pilipino. Isa na riyan ang laging sinasabi na “Filipinos are the most hospitable people in the world.” Pero nang makarating ako sa ibang bansa, napagtanto ko na tayo lang pala mismo ang madalas nagsasabi nito. Wala naman talagang malinaw na pag-aaral o ebidensya na sumusuporta sa claim na ito 😜.
Sa huli, mahalaga ring matutong mag-question ng mga kwento at paniniwalang paulit-ulit nating naririnig : kahit pa “inspiring” sila, dahil hindi lahat ng nakasanayan ay totoo. Worst ay ang mga graffiti dati sa mga walls na nagsasabi : Salengga, a filipino discovered that the electron is positive 😜😜😜‘ Haist

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay