Connect with us

Commentary

Huwag Nating Sirain ang Aquifer ng Batan

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Ni: Raymond Sucgang

Sa tunay na sustainable water resources management, kailangan regular at periodic na sinusukat ang lalim ng water table. Dapat, sa paglipas ng mga taon, halos constant lang ang depth nito kung talagang effective at efficient ang pamamahala.
Sa tabi ng pumping station, dapat may dedicated borehole na ginagamit para i-monitor ang water table at kumuha ng water samples para sa analysis. Kapag bumababa ang water table, malinaw na senyales ito na inaabuso na ang pagkuha ng tubig sa ilalim ng lupa –ibig sabihin, mas marami ang kinukuha kaysa sa kayang i-recharge ng aquifer.
Ang prinsipyo ng safe yield ay simple: hindi dapat mas mataas ang rate of abstraction kaysa sa rate of recharge. Kapag mas malaki ang hinuhugot na tubig kaysa sa nare-recharge, magkakaroon ng drawdown sa pumping station, at mahihila papasok ang mga contaminants sa balon. Kasabay nito, matutuyo ang mga karatig-lupa at masisira nang husto ang environment, dahil sa seawater intrusion, land subsidence, at posibleng arsenic contamination.
Ngayon ang tanong: nasukat na ba ang recharge rate?
Natutukoy na ba kung paano nangyayari ang recharge mechanism?
Na-measure na ba ang lalim ng water table gamit ang borehole?
Alam na ba ang average monthly rainfall sa area?
Kung hindi pa nasasagot ang mga tanong na ito, huwag muna magtayo ng building.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay