Connect with us

Latest News

Konstruksyon ng National Museum of the Philippines Kalibo sisimulan na

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

KALIBO, Aklan- Nakatakda ng simulan ang pagpapagawa ng National Museum of the Philippines sa bayan ng Kalibo sa unang linggo ng Pebrero 2026. Ang P20M na proyekto ay bunga ng pagsisikap ni Kalibo Mayor Juris B. Sucro na makipag-ugnayan sa NMP noong nakaraang taon upang makatulong sa pagpapalago ng turismo at makatulong sa mga kabataan at dumadayo sa Kalibo na malaman ang makulay na kasaysayan at kultura ng mga Aklanon.

Ang naturang proyekto ay nasa Phase 1, kung saan nakatutok ito sa pagbabalik ng dating mukha ng Capt. Gil Mijares Building na syang icoconvert bilang museo at nakatakda itong matapos sa loob ng 330 araw mula sa petsa ng dokumentong Notice to Proceed.

Sa naging pagpupulong sa pagitan ng mga taga National Museum of the Philippines at lokal na pamahalaan ng Kalibo nitong Miyerkules, Enero 21, inilatag ng mga taga NMP ang kanilang plano kung saan ipinakita rin nila ang modelong disenyo ng Capt. Gil Mijares building na nahagip sa isang larawan noong panahon ng pamamalagi ng mga Amerikano sa Kalibo at pinasinayaan ito noong taong 1909.

Ang naturang istraktura ay nagsilbing munisipyo ng Kalibo. Ang proyekto ay nasa ilalim ng pamamahala Ng National Museum of the Philippines kung saan Sila ay lalagi sa Kalibo upang subaybayan at masiguro na mapepreserba ang historical value ng proyekto. Sa kasalukuyan ay may naka-okupa sa building kabilang ang Kalibo Municipal Library na nakatakdang ilipat sa 4th Floor New Municipal Building at ang Kalibo Municipal Police substation naman ay bibigyan ng espasyo sa loob ng Kalibo Pastrana Park.

Samantala, magkakaroon naman ng mga pagpupulong sa pagitan ng NMP at LGU sa susunod upang mabigyan ng update si Mayor Sucro at ang mga concerned offices ng LGU Kalibo.

Bread & Butter Biscocho de Boracay