Connect with us
News Trends PH

Latest News

LGU-Kalibo, planong magkaroon ng Task Force para sa mga ligaw na hayop

Published

on

Ni: Mary Hope Zonio

KALIBO, Aklan- Upang mas mabigyan ng ngipin ang layi at ordinansa para sa tamang pag-aalaga ng mga hayop at matugunan ang problema sa mga pakalat-kalat na mga hayop sa mga nangungunang daan sa bayan ng Kalibo, isinusulong ngayon ni Sangguniang Bayan Member Raymar Rebaldo ang Resolution No. 398 na humihiling kay Kalibo Mayor Juris Bautista Sucro na bumuo ng Task Force para sa mga ligaw na hayop na pagala-gala sa bayan ng Kalibo.

Ito ay alinsunod naman sa Kalibo Municipal Ordinance at RA 9482 o mas kilalang An Act Providing for the control and elimination of Human and animal rabies, prescribing penalties for violation thereof and appropriation fund thereof.

Samantala, ayon naman kay SB Member Rebaldo, ang nag-udyok sa kanya upang ipasa ang nasabing resolusyon ay ang kaliwa’t kanan na reklamo at problema ng mga residente ng nasabing lugar dahil sa mga hayop na pagala-gala sa kalye lalo na ang mga aso na siyang laging nagiging dahilan ng mga nangyayaring aksidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *