Connect with us
News Trends PH

Lifestyle

‘Love lock’, binuksan ng LGU-Kalibo sa mismong araw ng mga Puso

Published

on


Ni: April Hope Zonio
Pinangunahan nina Kalibo Mayor Juris Sucro at Vice Mayor Cynthia Dela Cruz ang opisyal na pagbubukas ng kauna-unahang ‘love lock’ sa mismong Araw ng mga Puso o Valentine’s Day sa loob ng Kalibo Pastrana Park sa Barangay Poblacion, Kalibo.

Isang kandado na kulay blue at pula na may nakasulat na ‘Bagong Kalibo’ ang sabay na ikinandado ng dalawang opisyal ng nasabing bayan upang pormal na buksan ang pinakabagong atraksyon.Bumuhos naman ang mga turista at residenteng dumayo sa lugar upang makakuha ng larawan.

Ang magkarelasyon o mag-asawa ay puweding bumili ng kandado at ilagay sa nasabing love lock kasabay ng kanilang pangakong walang hangganang pagmamahal sa isa’t isa.

Samantala, sa mensahe ni Vice Mayor Dela Cruz sinabi nito na ang love lock isang pasyalan na handog nila hindi lamang para sa magkarelasyon kungdi maging sa mga magbarkada at magpamilya dahil ang Araw ng mga Puso umano ay para naman sa lahat ng marunong na magmahal.

“Valentine’s Day is a celebration for the Love of God love to us, the love of our family, the love for our children, and also we love also our community. Kaya we shoul do our work well not only for our family but also for our community. Saeamat gid sa inyong pag-support sa Bagong Kalibo with Mayor Juris we are wishing you all a happy Valentine’s day.”

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *