Connect with us

Election 2025

Marcos nabahag ang buntot sa hamon na debate ni Robredo

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Tinanggihan ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hamon na one-on-one debate ng katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na kailanman ay hindi mangyayari ang debate na hinihingi ni Robredo. Muling nagtago ang kampo ni Bongbong sa gasgas nitong dahilan na ayaw nito ng debate dahil mas gusto nila ng positibong pangangampanya.

Ikinasa ni Robredo ang hamon kay Marcos dahil siya na lang ang hindi humaharap sa taumbayan sa isang debate kasama ang iba pang kandidato. Ayon kay Robredo, magandang paraan ang debate para masuri ng mga botante ang mga kandidato at maikumpara ang kanilang mga plano, programa at pagkatao.

Nais din ni Robredo na sagutin ni Marcos sa harap ng taumbayan ang mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya at sa kanyang pamilya.

“We owe it to the people and to our country. Kung papayag po kayo, anytime, anywhere, darating ako,” ani Robredo. Isa sa mga kinakaharap na isyu ni Marcos ay ang utang na P203 bilyon ng kanyang pamilya sa estate tax na hanggang ngayon ay ayaw nilang bayaran.

Inatasan ng Korte Suprema ang pamilya Marcos na magbayad ng P23 bilyon sa estate tax halos dalawampu’t limang taon na ang nakalipas. Umabot na sa P203 bilyon ang utang dahil sa interes.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay