Connect with us

Election 2025

Ambassadors for Leni

Published

on

Bread & Butter Biscocho de Boracay

Nagsama-sama ang mga dating ambassador na nagsilbi sa iba’t ibang administrasyon para i-endorso ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa Mayo.
Ayon sa 47 dating ambassador, malinaw ang polisiyang isinusulong ni Robredo para maprotektahan ang interes ng bansa, lalo na sa West Philippine Sea. Anila, tanging si Robredo lang ang naghain ng klarong plataporma sa kanyang mga gagawin kapag nahalal.
Sang-ayon din sila sa posisyon ni Robredo na dapat mangalap ng suporta ang Pilipinas mula sa ibang bansa para mapatibay ang panalo ng bansa sa arbitration case nito laban sa China.
Sa pangunguna ni Robredo, tiwala ang mga dating ambassador na muling titibay ang respeto ng ibang bansa sa ating soberanya.
Nakatuon ang platapormang “Oplan Angat Agad” ni Robredo sa paglikha ng trabaho, pagpapaganda ng sistema ng kalusugan at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.
Y

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Bread & Butter Biscocho de Boracay