
QUEZON CITY- Sa pagtatapos ng National Children’s Congress ngayong araw, pinangungunahan ni Sec. Rex Gatchalian ang pagkilala sa mga 4Ps Exemplary Regional and Provincial Winners nationwide.
Isa sa mga kinilala na mga delegado ay ang Region VI na pinangungunahan ni 4Ps Exemplary Child Regional Winner Ma. Liezel Francisco ng Lau-an, Antique kasama pa ang ibang Provincial Winners na sina Queenie Recede ng Tapaz, Capiz; Kyle Angelo Cabalo ng Tubungan, Iloilo; Akeisha Kate Dequilla ng Nueva Valencia, Guimaras; at Precious Reann Venancio ng Altavas, Aklan.
Kasama rin sina 4Ps Division Chief Belen P. Gebusion, Information Officer Montesa G. Caoyonan at Social Development and Advocacy (SDA) Focal Person Maybel Esparagoza na umakyat sa entablado upang magbigay supporta sa mga batang kalahok.
Ang tema ngayong taon ay “Next Level Young Leaders: I-Mine ang Karapatan, I-Unlock Magandang Kinabukasan.”