
Iloilo City- Inihayag ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang kahalagahan ng Expanded Centenarian Law sa kaniyang pagbisita sa fiesta ng Dinagyang Festival sa Iloilo City kamakailan.
Ayon kay Revilla, ang cash incentives na matatangap ng mga senior citizens a nasa edad 80, 85, 90 at 95 ay makakatangap ng halagang P10,000 ngayong taon.
Makakatangap naman ang isang centenarian sa pag abot sa kaniyang edad na 100 taon ng one-time cash gift na P10,000.
Ayon kay Revilla, naglalayon etong kilalanin at suportahan ang contributions sa lipunan ng mga taong may edad na.
Positibo naman etong tinangap ng mga festival-goers lalo na at nagmula eto sa pahayag ni Revilla at umaasang maipatupad na eto sa lalong madaling panahon.