
Ni: Shaine Sorrosa
Ibajay, Aklan- Isang makasaysayang gabi ang idinaos sa Gavino Solidum Park para sa unang Search for Mentors of Ibajay with Great Zeal (MIGZ) Awards Night, kung saan Maloco National High School (MNHS) ang nanguna sa listahan ng mga pinarangalan—pinangungunahan ng tagumpay ni Mr. Clifford Jay O. Lachica bilang Top 1 MIGZ Awardee.
Si Mr. Lachica ay kinilala para sa kanyang natatanging husay sa pagtuturo, liderato sa paaralan, at inspirasyong ibinibigay sa mga mag-aaral at kapwa guro. Ang pagkamit niya ng Top 1 sa lahat ng kalahok sa buong Ibajay ay isang patunay ng kanyang dedikasyon at integridad bilang guro.
Kasama niyang pinarangalan ang iba pang huwarang guro mula sa Maloco National High School:

𝗠𝗿. 𝗦𝘂𝗻𝗻𝘆 𝗦. 𝗗𝗲𝗹𝗴𝗮𝗱𝗼 – 𝗧𝗼𝗽 𝟯 𝗠𝗜𝗚𝗭 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲

𝗠𝗿𝘀. 𝗣𝗲𝗮𝗿𝗹 𝗗. 𝗗𝗮𝗴𝗼𝗵𝗼𝘆-𝗠𝗶𝗿𝗼𝘆 – 𝗧𝗼𝗽 𝟰 𝗠𝗜𝗚𝗭 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲

𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝘃𝗲𝗹𝘆 𝗥𝘂𝘁𝗵 𝗧. 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀 – 𝗧𝗼𝗽 𝟳 𝗠𝗜𝗚𝗭 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲

𝗗𝗿. 𝗡𝗲𝗹 𝗣. 𝗚𝗿𝗲𝗴𝗼𝗿𝗶𝗼 – 𝗧𝗼𝗽 𝟴 𝗠𝗜𝗚𝗭 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲
Bukod sa mga indibidwal na tagumpay, muling pinatunayan ng Maloco National High School ang pagiging ehemplo ng kahusayan sa edukasyon matapos kilalanin bilang:

Outstanding Public Secondary School (Large)
Espesyal ding parangal ang iginawad kina:
𝗠𝗿𝘀. 𝗗𝗮𝗴𝗼𝗵𝗼𝘆-𝗠𝗶𝗿𝗼𝘆 – 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿
𝗠𝗿. 𝗗𝗲𝗹𝗴𝗮𝗱𝗼 – 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗙𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿
𝗠𝗿. 𝗘𝗱𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗝. 𝗦𝗮𝗹𝗶𝗱𝗼 – 𝗦𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗲𝗲
𝗠𝗿. 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗖. 𝗣𝗮𝗴𝗮𝘆𝘂𝗻𝗮𝗻 – 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻, 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
𝗠𝗿. 𝗝𝗮𝗳𝗲𝘁 𝗣. 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱𝘂𝗺 – 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿, 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
Ang MIGZ Awards ay paalala na ang tunay na tagumpay sa edukasyon ay nakasalalay sa mga gurong may puso, may malasakit, at may kakayahang umakay sa susunod na henerasyon. Sa tagumpay ni Mr. Clifford Jay O. Lachica bilang Top 1, muling naipamalas ng MNHS ang kahalagahan ng pamumuno na may layunin at pagkatutong may saysay.